Hanggang kailan ang period ng enrollment ngayong SY 2020 - 2021?
Ang enrollment para sa School Year 2020-2021 ay magbubukas sa June 1 at extended hanggang July 15. Ito ay karugtong na lamang ng Early Registration noong Enero. Sa unang dalawang linggo ng Hunyo, remote enrolment ang gagawing papamamaraan dahil ipagbabawal ang kahit anumang pisikal ng pagpunta sa paaralan. Lahat ng learners na hindi makakapag enroll gamit ang kahit anong remote na paraan ay papayagan sa huling dalawang linggo ng Hunyo para pisikal na makapunta sa paaralan at ito ay dedepende sa sitwasyon ng lugar. Dapat rin ay nakasunod pa sa required health standards ng IATF ang posibleng physical enrollment na mangyayari.
Paano ang magiging sistema ng enrollment? Face-to-face ba?
Hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Upang patuloy na mapairal ang Social Distancing at ang health standard na rekomendasyon ng DOH at IATF, ipatutupad ng Kagarawan ang Remote Enrollment.
Para sa mga Grade 1-12 na mag-aaral: Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay tatawagan ng kanilang adviser mula sa nagdaang taon para sa 'remote' enrollment. Gayunpaman, maaari ring ang magulang o taga-pangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.
Para sa mga papasok ng kindergarten: Maaaring makipag-ugnayan ang magulang ng mga papasok ng kindergarten sa kanilang napiling paaralan para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga nilaang numero o bumisita sa website ng paaralan para sa kanilang enrollment procedures.
Para sa mga lilipat na mag-aaral: Maaaring direktang makipag-ugnayan ang magulang ng lilipat na mag-aaral sa eskwelahang nais lipatan gamit ang mga contact details ng paaralang lilipatan.
Para sa mga Balik-Aral enrollees: Tulad ng mga transferees, maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga Balik-Aral enrollees sa eskwelahang napiling lipatan. Ang lilipatang eskwelahan ay ang siyang magtatala ng kanilang impormasyon at datos.
Para sa mga ALS enrollees: Maaaring mag-enroll ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS program sa pamamagitan ng pakikipagugnayan online o pisikal sa paaralan o sa mga barangay na mayroong Community Learning Centers (CLCs). ALS Form 2 (Annex B) ang gagamitin dito batay sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaari itong ma-access online at mayroon ding mga printed na kopya.
Ano-ano ang mga paraan ng pag e-enroll ngayong SY 2020-2021?
Teacher Lead Enrollment Ang mga guro (class advisers) ang mangunguna sa pagtawag sa kanilang mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 12 noong nakaraang taon upang kunin ang kanilang impormasyon at ilagay sa LIS.
Enrollment Hotlines May mga enrollment focal person (EFP) na tatanggap ng tawag at sasagot sa mga katanungan ng mga magulang ng Kindergarten, transferees, Balik-Aral, at ALS learners. Maglalabas ang DepEd field offices ng listahan ng contact information ng mga paaralan sa inyong lugar.
Physical Enrollment Magkakaroon ng mga enrollment kiosk sa mga barangay kung saan pwedeng ipasa ang Learner Enrollment and Survey Form para sa mga hindi ito magagawa online. Mahigpit na ipatutupad ang minimum health and safety standards. Paalala lamang na maaari lamang itong gawin simula sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Tatanggap ba ang mga paaralan ng late enrollees?
Ang mga paaralan ay maaring tumanggap ng mga late enrollees kung ang estudyante ay nakapasok sa 80% ng itinakdang school days sa bawat school year at naabot ang mga kinakailangang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level. Maari ding gamitin ng mga school heads ang kanilang sariling desisyon sa kung tatanggapin o hindi ang mag-aaral at magsagawa ng mga aktibidad upang makahabol ang nasabing estudyante.
Ano ang mga dokumento o form na kailangang ipasa sa pag-e-enroll ng anak ko?
Ang mga sumusunod na dokumento ay maaaring ipasa online (email, Messenger, Viber, atbp.) o sa mga enrollment kiosk sa barangay:
Sinagutang Learner Enrollment and Survey Form (LESF); at
Mga documentary requirement na nakasaad sa DO 3, s. 2018, kung mayroon na:
PSA Birth Certificate (dating NSO)
Learner School Form 9 (Form 138) kung mag-e-enroll sa Grades 1-12
Sino ang dapat magbigay ng school record ng isang mag aaral?
Ang School Form 9 (Form 138) at School Form 10 (Form 137) ng mag-aaral ay dapat na maibigay ng dating paaralan papunta sa paglilipatang paaralan. Ito ay dapat na school-to-school transaction lamang at ang mga paaralan ay hindi dapat ipasa ang ganitong responsibilidad sa mga magulang o guardian.
Paano ang pag-enroll kung lilipat ng school?
Nararapat lamang na kontakin ng mag-aaral o magulang ang paglilipatang paaralan upang ipagbigay alam ang ninanais na paglipat.
Ano ang Learner Enrollment and Survey Form o ang LESF?
Ito ay isang instrument upang ma-rehistro ang mga estudyante sa darating na school year at magamit din upang makalikom ng impormasyon sa kakayahan ng bata ukol sa iba’t ibang learning modes.
Saan maaaring makakuha ng LESF?
1.Para sa magulang: Ang LESF ay maaaring ma-download sa opisyal nating School Website (https://sites.google.com/depedalbay.com/301830/services/downloadable) at sa opisyal na Deped Website (www.deped.gov.ph/obe-be) . Maari din itong makuha sa mga enrollment kiosk/booth/desk sa inyong mga barangay. 2.Para sa guro: Ang LESF ay maari ding ma-download mula sa Learner Information System (LIS).
Paano maipapasa ang LESF Form?
Ang pagpapasa ng LESF ay maaring sa pamamagitan ng e-mail, Facebook Messenger, at iba pang paraang na may kinalaman sa online. Ang pagpapasa nito sa pamamagitan ng face-to-face sa paaralan o sa barangay ng mga magulang ay papahintulutan lamang sa ikatlo at ikaapat na lingo ng enrollment period.
Dapat pa rin ba akong mag-fill out ng LESF kung narehistro ko na ang aking estudyante noong 'Early Registration'?
Dapat pa ring magpasa ang mga magulang ng LESF sa kadahilanang may mga karagdarang impormasyon sa nasabing dokumento kumpara sa ipinasa noong ‘Early Registration’ form. Ang pagpapasa nito ay kinakailangan upang makumpirma ang mga impormasyong ng mga mag-aaral.
Papapasukin ba ang mga bata sa eskwelahan kahit hindi pa napupuksa ang virus?
Alinsunod sa DepEd Order 007, s. 2020, at sa pagbibigay prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon sa kapakanan at kalusugan ng mga guro at mag-aaral, hindi magiging face-to-face ang pag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Ano ang naging batayan ng DepEd para ituloy ang pagbubukas ng klase para sa SY 2020-2021?
Nagdaos ng survey ang Kagawaran kung saan 700,000 na guro, mag-aaral at magulang ang sumagot at piniling idaos ang pasukan sa huling linggo ng Agosto. Gayunpaman, ang survey ay isang bahagi lamang ng malawakang konsultasyon. Nagkaroon din ang DepEd ng mga pag-aaral, consultation at ilang pagpupulong na kasama ang DOH at IATF.
Paano ang mga mag-aaral na walang internet connection at gadgets sa bahay? Paano sila maaaring matuto?
Sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng Department of Education, nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maari nilang gamitin. Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, TV at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sino ang magtuturo sa mga bata kung hindi face to face?
Mahalaga ang papel ng magulang o guardians ng mga estudyante habang pinatutupad ang Distance Learning. Sila ang ang magiging gabay ng ating mga learners upang maging posible ang patuloy na pagkatuto.
Sino ang magtuturo sa mga bata kung hindi face to face?
Mahalaga ang papel ng magulang o guardians ng mga estudyante habang pinatutupad ang Distance Learning. Sila ang ang magiging gabay ng ating mga learners upang maging posible ang patuloy na pagkatuto.
May bayad ba ang learning modules?
Ang learning modules na ginawa at ipamimigay ng DepEd ay libre o hindi kailangang bayaran.
Kailan ibibigay ang mga printed materials na pag-aaralan ng mga bata?
Magiging available ang mga printed materials na maaring gamitin ng mga mag-aaral bago ang pagsisimula ng klase sa Oktubre.
Ang eskwelahan ay magbibigay ng schedule sa pagdidistribute at pagreretrieve ng mga modules at outputs sa bawat barangay ng Municipality of Jovellar. Bisitahin ang link na ito para makita ang schedule: https://sites.google.com/depedalbay.com/301830/schedule